“Pagsasabuhay ng ating mga puso sa gawa”(Putting our hearts into action)
- Marketing Team
- Aug 13
- 1 min read
Sa ika-13 ng Agosto, ay nagtipon-tipon ang mga mag-aaral mula baitang 9 para sa kanilang Araw ng Malay. Ito ay isang pagkakataon at hakbang na isinasagawa ng ating Spirituality Center (SpiCe) upang ihanda ang mga Povedan sa kanilang mga aktibidad sa komunidad at mas higit pang lumalim ang kanilang kamalayan at relasyon sa sarili, sa iba, at lalo na sa Panginoon.
Inimbitahan bilang panauhing tagapagsalita si Leothel Adia Sharisse R. Santiago – isang Povedan alumna mula sa Batch 2020, para ibahagi ang kanyang karanasan at makabuluhang aral mula sa pakikipag ugnayan sa komunidad.
Higit sa lahat, binigyang-pokus niya sa kanyang pagbabahagi ang ating papel bilang mamamayan sa pagpapasigla ng ating kamalayan at serbisyo sa komunidad.






















Comments