Paggunita kay Beata Victoria Díez!
- Marketing Team
- Aug 12
- 1 min read
¡Viva Cristo Rey! 📿
Mabuhay si Kristong Hari! – ang mga salita ni Beata Victoria Diez sa kanyang huling sandali.
Ngayong ika-12 ng Agosto, ay sama-samang nagtipon ang buong komunidad ng Poveda para sa Banal na Misa para sa Paggunita kay Beata Victoria Diez – isang mabuti, mapagmahal at may matatag na pananampalataya na guro at miyembro ng Teresian Association. 💐
Sa pamumuno ni Rev. Fr. Ricky C. Montañez, A.A, ay inilahad niya ang buhay ni Beata Victoria Diez bilang isang mabuting huwaran ng Kristiyanong naninindigan sa tama, lalo na’t sa panahon ng pagsubok.
Tayo ay inaanyayahan upang maging katulad ni Victoria, na may lakas ng loob upang piliin ang nararapat, at maipakita ito sa ating pamumuhay at bawat hamon sa buhay.




















Comments