May 19, 2012 | Saturday
SEARCH      
    • “Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal ang Talagang Kailangan”

      Wika at kalikasan - dalawang magkaibang konsepto ngunit may ilang mahahalagang pagkakahawig.

      Ang wika at ang kalikasan ay parehong biyayang galing sa Diyos na dapat pahalagahan; mga regalo ng Panginoon para gamitin ng tao sa pang-araw–araw niyang pamumuhay.
       
      Ang mga ito ay dalawang mabisang paraan tungo sa pagkakabuklod ng mga taong nakatira sa isang pamayanan.               
                         
      Ang wika at ang kalikasan ay pasulong na daan tungo sa kaunlaran ng isang bansa.
       
      Ang wika at ang kalikasan ay parehong kailangang payabungin at pagyamanin sa pamamagitan ng maingat na paggamit.
       
      Ang dalawang ito ay may posibilidad na maubos, mawala at malimutan kung walang wagas na pagmamahal ang igugol dito.

      Ang temang ito ng Buwan ng Wika para sa taong 2010 ay napapanahon sapagkat unti-unti na nating nakikita ang epekto ng kawalan ng pagpapahalaga ng tao sa kalikasan- ang baha na dulot ng bagyong Ondoy, ang mga pagguho ng lupa sa matataas na lugar, ang kakulangan sa supply ng tubig, ang pagkalat ng sakit na dengue at ang rotating brown-out na dinaranas nating mga Pilipino.

      Gayun din ang mga pangyayaring dulot ng kawalan ng pagpapahalaga nating mga Pilipino sa ating sariling wika: mga Pilipinong mas binibigyang halaga ang ibang wika tulad ng Ingles, mga Pilipinong mas kumakain at gumagamit ng imported goods, at mga Pilipinong mas namamasyal sa iba’t ibang bansa.
                 
      Hindi ba’t isang pangit na larawan ang makitang mismong mga Pilipino ang di pinapahalagahan ang likas na yaman ng sarili niyang bayan at di ginagamit ang sarili niyang wika? Hindi kaya ito rin mismo ang dahilan kung bakit hanggang ngayon mahirap pa rin ang ating bansa?
               
      Ngayon na ang tamang panahon para baliktarin natin ang ating kapalaran bilang isang lahi, isang bayan! Pahalagahan natin ang ating kalikasan at mahalin ang ating wika nang wagas.

      Halika, umpisahan na natin! Ngayon na!

       

    Previous Entries

    • “Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal ang Talagang Kailangan”

    • Wikang Filipino at Manuel L. Quezon: Dahilan ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wika

    • Yaya Development Program 2009

  • CAMPUS DATES

    No Event