May 19, 2012 | Saturday
SEARCH      
    • Povedans, Nagbayanihan sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2011

      By Bb. Rosalie Tangonan |

      Bayanihan ang isa sa mga katangi-tanging kaugaliang patuloy na taglay nating mga Pilipino. Ito ang pinatunayan ng Povedans sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2011 na may temang: Ang Wikang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas.

      Idinaos sa buong buwan ng Agosto ang pagdiriwang sa kagandahan at kahalagahan ng wikang Filipino sa Saint Pedro Poveda College sa pamamagitang ng iba’t ibang gawain.

      DSCN1492.JPGPinasimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang simpleng programa noong Agosto 9, 7:30-9:00 ng umaga, sa Alameda Hall. Inilunsad sa programang ito ang lahat ng gawaing nakaplano sa buong Buwan ng Wika gayundin ang pagpapakilala sa Ama ng Wikang Pambansa na si Manuel L. Quezon sa pamamagitan ng isang movie clip na pinagtulung-tulungang buuin ng Filipino at ICT Area. Kasabay ng gawaing ito ginanap din ang panonood ng mga mag-aaral sa Una at Ikatlong Baitang (3A at 3B) ng pagtatanghal ng Tali Galaw Marionette Production ng tatlong maiikli ngunit kawili-wiling mga palabas tulad ng Ifugao Dance, Pag-aalaga sa Kalikasan at Ibong Adarna. Samantalang ang mga mag-aaral naman sa Ikalawa at ilan sa Ikatlong Baitang (3C at 3D) ang nanood noong Agosto 10 ng mga parehong palabas. Maayos na naisagawa ang mga gawaing ito sa pamamagitan ng kooperasyon ng Vice-Principal para sa Una hanggang Ikatlong Baitang na si Bb. Pebbles Garcia, Coordinator ng Area ng Filipino na si Bb. Nellie Baldonido at mga gurong kabahagi sa gawain.

      Ginanap naman noong Agosto 12, sa ganap na 8:00- 9:30 ng umaga sa Gym ng Poveda, ang isang Banal na Misa alay sa Pista ni Kabanal-banalang Victoria Diez. Pinangunahan ang misang ito ni Fr. Steven Sabala. Bukod sa pagiging isang martir ni Kabanal-banalang Victoria Diez, binigyan din ng tuon sa misa ni Fr. Sabala ang  100 Anibersaryo ng Teresian Association at ang patuloy na pagtataguyod nito sa pamamagitan ng pagtutulungan  hindi lamang ng mga Teresiana kung hindi pati na  rin ng buong komunidad ng Poveda. Dinaluhan ang misang ito ng mga mag-aaral sa lahat ng antas.

      DSCN1588.JPGKasama rin sa pagtulong sa pagpapayaman ng kaalaman ng mga mag-aaral sa wikang Filipino ang pagbabasa ng mga libro. Ito ang layunin ng book fair ng Adarna Publishing House na nanatili sa Covered Walk ng paaralan mula Agosto 8 hanggang 12.

      Ang pagtutulungan naman ng mga pamilya sa buong pamayanan ang pinamalas ng taunang gawaing Pinoy Eats, Pinoy Treats noong Agosto 18, sa Alameda Hall. Bukod sa pagtutulungan ipinakita rin sa gawaing ito ang pagtangkilik sa mga pagkaing Pinoy na Pinoy at ang matibay na pagbubuklud-buklod ng pamilyang Pilipino na sabay-sabay na kumakain. Pinangasiwaan ang gawaing ito ng Asociacion de Alumnas de Poveda (AAP).

      Bukod sa mga gawaing ito, nagsagawa rin ng mga pangklaseng gawain para sa bawat antas tulad ng paggawa ng islogan at poster, pagbasa ng mga kuwento at  pagbuo ng movie presentation bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa kutura at paggamit ng wikang taglay nating mga Pilipino.

      Isinagawa ang Bigkasayawit, ang Pangwakas na Gawain para sa Buwan ng Wika noong Agosto 26, sa Gym ng Poveda ganap na 1:00 hanggang 3:00 ng hapon. Sa programang ito ipinakita ang galing ng Poveda bilang isang komunidad. Ginawa ang buong programa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Area ng Filipino at Student Activities Coordinator sa pamamagitan ng pagtatanghal ng iba’t ibang club ng Grade School Department.

      DSCN1793.JPGNagbigay ng mensahe si Dr. Azucena Camagan at pinapanood ng video tungkol sa pagkakatatag ng Teresian Association. Inawit ng Children’s Choir ang Pambansang Awit bilang panimula ng programa. Sumayaw naman ang Obrang Pinoy ng isang klasikong awitin ni Francis Magalona na “Mga Kababayan Ko”. Tumugtog din ang Melody Bells gamit ang kanilang mga kalembang ng awiting bayang “Paru-parong Bukid” at sumayaw din ang Move and Groove ng “Galing ng Pinoy”. Gayundin, nagpakitang gilas sa pag-arte at pagbigkas ang SIKAT. Nagpanood din ng ilang movie clips mula sa ALD output ng mga piling mag-aaral mula sa Ikapitong Baitang at ilang bahagi mula sa Tali Galaw. Matapos ng panonood, inawitan muli ng Children’s Choir ang lahat sa kanilang “Ako’y Isang Tinig” at “Ngumiti, Tumawa, Magsaya’t Kumanta”. Sumayaw rin ang Young Movers ng “Bendian” at “Limang Dipang Tao”. Tumugtog ang dalawang mag-aaral mula sa Musika Skwela ng “Ako ay may Lobo” at “Sitsiritsit”. Hindi rin nagpahuli ang ilang piling guro sa kanilang natatanging bilang na isang “Sayaw ng Muslim” at “Maglalatik”. Naging matagumpay rin ang pagdalo ng mga panauhin dahil sa mga imbitasyong dinesenyuhan ng Master’s Touch.

      Bahagi rin ng pangwakas na programa ang paghirang sa mga mag-aaral at guro mula sa iba’t ibang antas na may natatanging kasuotang Pilipino. Kinilala ang kagandahan at pagiging Pilipinong-Pilipino ng mga kasuotan  nina Julia Denise Antenor at Sophia Ysabel  Montemayor mula sa 1C at ni Rexie Due ng 1D. Mula sa ikalawang baitang hinangaan din ang kasuotan nina Jo Aperin ng 2D at Clarisse Reyes ng 2A. Pinahanga naman nina Bea Gail Uyyco ng 3C at Maria Guadalupe Ejercito ng 3B ang mga tao sa kanilang makukulay na terno. Sa Ikaapat na Baitang hinangaan ang suot nina Julianna Margarita Nicolas at Iliana Natasha Soriano ng 4B, samantalang sa Ikalimang Baitang naman pinarangalan sina Maria Margarita Pajarillaga, Victoria Therese Banson at Athea Grace Santos ng 5A. Para sa Ikaanim na Baitang nangibabaw sa lahat ang damit nina Kathleen Nicole Garay ng 6D at Lourdes Beatrice Arboleda ng 6C. Nasa 7C naman sina Nicole Miller, Audrey Punsalang at Sofia Victoria Lopez na mga pinarangalan din sa kanilang kasuotan. Hindi rin naman nagpahuli ang dalawang guro mula sa Grade School Department na sina Bb.Loren Bernal at Bb. Marjorie Carpio bilang magagandang modelo ng pagsusuot ng Filipiniana.  Kinilalala rin ang mga moderator at kinatawan ng mga club na nagtanghal sa pamamagitan ng pagbibigay ng sertipiko at token sa mga ito.

      Pinangunahan ang Pangwakas na Gawain ng mga guro ng palatuntunan na sina Maria Angela Pacia ng 3B at Bb. Kate Arcega, guro sa Filipino sa Ikalawang Baitang.

      Naging matagumpay ang lahat ng gawain para sa Buwan ng Wika 2011 sa pamamagitan ng bayanihang ipinamalas ng buong komunidad ng Poveda.


    Previous Entries

    • Povedans, Nagbayanihan sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2011

    • Povedans Qualify in the 2011-2012 Mathematics Trainers’ Guild

    • My Insights on the 11th EDSOR Peace Conference

  • CAMPUS DATES

    No Event